Monday, June 1, 2009

laking kropec



sa laki ng kropec, naka pag tatakang sampung piso siya. pero sa esensya, hangin lang siya. at tulad ng iba pang mga produktong nabibili ay nag downgrade o nagdownsize na rin siya.

kausap ko lang noon ang isang kaibigan ilang buwan na ang nakakaraan na tanging pisbol na lang ang di nagtataas ng presyo (pero lasang arena na siya) nung biglaang isang linggo, tatlo dalawang piso na ito. dahil daw sa pagtaas ng mantika sabi ni manong jayson.

sa totoo lang, sa pagdausdos ng padausdos na nating ekonomiya, nagiiba narin ang tastebud ng mga pinoy. o wala na lang talagang ibang makain kundi mga instant noodle at pampalasang balang araw ay papatay sa atin, o unti unting pumapatay na rin sa atin. pero hindi natin alam. o hindi lang pinapaalam. (dinig ko hindi daw ginagamit ang ajinamoto sa japan hmmm...)

pero eto ang kropec. ang blog ng compo dahil nakita ang pangangailaangan na magpalaganap ng bagong kaisipan. parang a n1h1 na too late na nahawa sa eksena ng blog.

para sa makabansa, makamasa at siyentipikong kultura.

-isip

1 comment: