Thursday, June 4, 2009

Tuesday, June 2, 2009

kahon



sa paanahon ng friendster, multiply, face book at kung ano ano pang social networking site na sumusulpot, mas umiigting ang indibidwalismong nabubuo sa atin. sa halip na nakakapag bahagi ng ideya at pakikipag kaisa at mga diskusyong mas makapag bibigkis saatin ay mas tumutulak pa ito sa ating na lumayo sa isat-isa sa mga personalization at mga lay-out at pa astigan ng profile. ang mga friends ay nagiging status symbol o korona ng ating indibidwalismo.

kasabay nito ay nahuhubog ang ating kaisipan sa pagkalulong at pagkakuntento sa ating personal na buhay o buhay ng ating pinakasusubaybayang mga idolo o artista. kasabay nito ay pakitid ng pakitid narin ang mga nasasalat ng ating mga pandama kasama ang ating perspektiba at kamulatan. at kung minsang nakaka dampot ng kaisipan ay nasa malabo at hiwalay pa na pinaghugutan na mas nagpapagulo pa. nariyan at sumusulpot ang mga kultura at sub-kultura na sa halip ay makatulong sa atin bilang indibidwal o bilang bahagi ng lipunana, ay mas humahatak sa sa atin palayo sa reyalidad. nagiging eskapista, bulag, makasarili o minsay rebeldeng walang ipinaglalaban.

ang bawat isa sa atin ay mgay potensyal. may mai-aambag sa pag hubog ng isang mas higit na magandang bukas kaysa sa ating tinatamasa ngayon. at isang malaking hamon sa atin na lumabas mula sa pagkaka-kahon at imulat ang ating kamulatan. pero, hindi rin sapat na naka limita lamang ito sa "ako mismo" na nangangahulugang indibidwalismo, bagkus mas sumasaklaw pa sa "tayo mismo" dahil tanging sa samasam nating pagkilos lamang maaabot ang tagumpay.

ang kahon ng emosyon ay maliit para sa milyon milyong mga rason para magpunyagi at lumaya. ang bukas ay sa atin higit kanino man.

-isip

Free the music

Click it para sa LOLO moPhotobucket
Free music.

-juansan

Noise Juan




myspace.com/thecompo
myspace.com/neilsanjuan
myspace.com/thebutchercons

Monday, June 1, 2009

Planeta ni Juan



-juansan

laking kropec



sa laki ng kropec, naka pag tatakang sampung piso siya. pero sa esensya, hangin lang siya. at tulad ng iba pang mga produktong nabibili ay nag downgrade o nagdownsize na rin siya.

kausap ko lang noon ang isang kaibigan ilang buwan na ang nakakaraan na tanging pisbol na lang ang di nagtataas ng presyo (pero lasang arena na siya) nung biglaang isang linggo, tatlo dalawang piso na ito. dahil daw sa pagtaas ng mantika sabi ni manong jayson.

sa totoo lang, sa pagdausdos ng padausdos na nating ekonomiya, nagiiba narin ang tastebud ng mga pinoy. o wala na lang talagang ibang makain kundi mga instant noodle at pampalasang balang araw ay papatay sa atin, o unti unting pumapatay na rin sa atin. pero hindi natin alam. o hindi lang pinapaalam. (dinig ko hindi daw ginagamit ang ajinamoto sa japan hmmm...)

pero eto ang kropec. ang blog ng compo dahil nakita ang pangangailaangan na magpalaganap ng bagong kaisipan. parang a n1h1 na too late na nahawa sa eksena ng blog.

para sa makabansa, makamasa at siyentipikong kultura.

-isip